Golfer Dottie Ardina Breaks Silence on Olympic Uniform Scandal
Filipino golfer Dottie Ardina expressed her frustration over the lack of official uniforms during the Paris Olympics, shedding light on the disorganization and lack of support from the Philippine sports authorities. As the world watched the Philippines’ top golfers compete on the Olympic stage, Ardina and her teammate, Bianca Pagdanganan, were forced to improvise due to the absence of proper uniforms—a situation that not only embarrassed the athletes but also highlighted deeper issues within the country’s sports management.
In a video that quickly went viral, Ardina shared how she and Pagdanganan resorted to buying plain t-shirts and using double-sided tape to attach patches of the Philippine flag. “We’re only ones without [uniforms]. We even needed to buy t-shirts. What kind of Olympics is this?” Ardina said in Filipino, her voice tinged with disappointment.
The uniform scandal began long before the athletes arrived in Paris. Through her Facebook post published on August 13, Ardina detailed the events that forced her and teammate Pagdanganan to compete without their official uniforms.
Despite the final Olympic golf tournament list being released on June 25, the Philippine Olympic Committee (POC) only sent uniform size forms to Ardina on June 13. While juggling her commitments to the LPGA in the United States, Ardina was left in the dark about the whereabouts of the uniforms and golf bags, with assurances that the items would be sent directly to Paris by July 31. However, when she landed in Paris on August 2, the uniforms were still nowhere to be found.
“Nagdahilan na lang po ako na hindi pa dumadating. Aug. 4 ng hapon, dumating na din sa wakas ang uniforms pero ito ay mga track suits lang. Nagkatotoo ang ikinakaba ko at walang dumating na competition shirts,” Ardina recounted through her Facebook account. The uniforms finally arrived on August 4, but they were far from what was needed—track suits instead of competition shirts. The replacements were inadequate and poorly designed, with the PHI logo misplaced under the collar, rendering it invisible.
Ardina’s frustration peaked when she realized that not only were the uniforms substandard, but essential golfing gear like golf balls, head covers, gloves, and umbrellas were also missing. “Bukod sa walang uniforms, WALA din pong na provide na golf balls, head covers, gloves at golf umbrella. Bags (locally made) at golf shoes lang ang nabigay sa amin. Mabuti po at may dala kaming sarili,” she lamented.
In a desperate attempt to comply with IOC regulations, Ardina and her teammate purchased matching shirts and umbrellas the night before the tournament began. “Pumunta ako sa mall para bumili ng umbrella at 2 shirts at nagpabili din ang teammate ko para TERNO kami sa competition katulad ng ibang bansa at ayon na rin sa IOC rules,” she shared. Despite their efforts, the uniforms provided by the POC were still ill-fitting and improperly designed, leaving Ardina and Pagdanganan with no choice but to wear mismatched outfits during their Olympic rounds.
The POC later claimed that the athletes chose not to wear the provided uniforms, a statement that Ardina vehemently denied. She reiterated that the uniforms did not fit and the logos were incorrectly placed, adding to the embarrassment on the world stage. “Uulitin ko po, walang dumating na uniporme at ang binili sa Paris ay hindi kasya sa amin PAREHO at ang PHI logo ay nasa ilalim ng collar,” she emphasized.
Despite the challenges, Ardina managed to finish joint 13th, while Pagdanganan posted the highest Philippine Olympic golf finish at joint fourth.
The ordeal left Ardina questioning the treatment of Filipino athletes. “Bakit parang ako pang binaligtad?” she asked, referring to the apparent blame-shifting by officials.
Ardina concluded her account with a plea for better communication and preparation for future Olympic games. “Sana lang ay hindi na po maulit ang mga nangyari. Sana magbago ang patakbo. Sana magkaroon ng maayos na COMMUNICATION sa pagitan ng mga officials na naka assign at sa mga atleta na maglalaro sa susunod na Olympics. Sana wala ng Philippine team at atletang Pilipino ang magmukhang busabos at kawawa,” she said, hoping that no future Filipino athlete would have to endure the same indignities.
Here is the statement of Dottie Ardina released through her Facebook account on August 13 (published as is):
“Ako po si Dottie Ardina, bahagi po ako ng Philippine Team sa 2024 Paris Olympics sa Women’s Golf.
Ako pa ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumporta sa amin. Kinapos man po at nagging mailap ang medalya pero kami po ay lumaban hanggang sa huli. Napaka laking karangalan po na mag representa ang bandila ng Pilipinas.
May lumabas pong video na gawa ko kelan lang na nag viral na sa social media na pinost po ng Mommy ko at gumawa ng malakas na ingay. Hindi po ako kaagad nag salita tungkol dito dahil nasa kalagitnaan ako ng laro. Pero parang lalo pong lumalakas ang usap usapan na nagdulot ng negatibong reaksyon sa mga nagpapatakbo at namamahala ng Philippine Women’s Golf team sa Olympics. Napagsabihan pa po ako na alisin ang video na may kasamang pagsisi pa galing sa akin na ang pagsasalita ko ay gumawa ng napakalaking issue. Hind ko pio ito tinanggalng mommy ko. Ngayon po ay minarapat ko nang magsalita ng kaunti tunkol dito.
Ang mga sasabihin ko pa ay base sa aking naranasan at ang lahat ng opinion ay akin lamang.
Di ko po naisip na ito ay lalaki ng ganito at magiging national issue. Bago pa ito lumaki lalo, gusto ko sanang linawin ang mga ilang bagay na lumabas sa official statements ng POC at NGAP.
Ang final tournament list po sa Olympic golf ay na release ng June 25. Pero ipinadala po sa akin ng POC ng June 13 ang uniform size forms para sagutan at kung paano din kumuha ng exemption athlete visa. Habang ako po ay naglalaro ng tournaments sa amerika (LPGA) ako po ay nagtanong na sa NGAP ng July 28 kung saan or paano ba makukuha ang uniforms/golf bag dahil lilipad po ako ng August 1 papuntang Paris. Ang sabi po sa akin, dala nila ang golf bag at ang uniforms “will be sent straight to Paris eta July 31”. Medyo kinabahan po ako dahil August 7 ang start ng competition . Paano kung mali ang size or hindi maayos ang fitting? Nasa US pa lang po ako ay pagapsya na ako ng magdala ng plain shirts para paniguradong may masusuot kung sakaling magka aberiya sa official uniforms . Maydala din po ang teammate ko.
Dumating na po kami sa Paris ng August 2 ng umaga. Wala pa rin po ang mga uniforms. Ako, ang caddie at coach ko ay nag register sa tournament desk sa golf course ng August 4, kami po ay sinita at pinagsabihan ng officials ng IOC na dapat suot na ang uniforms. Nagdahilan na lang po ako na hindi pa dumadating. August 4 ng hapon, dumating na din sa wakas ang uniforms pero ito ay mga track suits lang . Nagkatotoo ang ikinakaba ko at walang dumating na competition shirts. May paparating silang pamalit, na malamang ang sinasabi nilang “sets of competition gear to be produced in Paris” sa POC statement Dalawang collared shirts lang na White & Black na hindi talaga pang golf pero napilitan kong suotin sa practice round (August 5 and 6) dahil kailangan na terno kami ng teammate ko.
May inutusan na bumili ng shirts para sa amin at lagyan ng flag logo or country initials. August 5 ng gabi, dumating ang mga bagong uniforms pero assorted brands and sizes at hindi kami terno ng teammate ko. May ibang shirts PAREHONG MALIIT sa amin. Hindi lang sa AKIN. Ang mas pangit pa, MALI ang stamp ng logo na PHI dahil nasa illalim ng collar at natatakpan ito. Walang nagawang tama. Bukod sa walang uniforms, WALA din pong na provide na golf balls, head covers, gloves at golf umbrella. Bags (locally made) at golf shoes lang ang nabigay sa amin. Mabuti po at may dala kaming sarili. Di ko maisip kung bakit walang budget para sa mga gear at equipment na iyon.
Talagang KULANG KULANG.
Bakit parang ako pa ang binaliktad?
Ginamit na lamang naming ang dala naming sariling plain shirts at dahil meron naman dalang flag patches ang teammate ko, binigyan nya lang ako ng isang piraso na nililipat ko araw araw sa gagamitn kong shirts. Ang dala nya ay White, Navy Blue at Army Green. Akin naman po ay Black, Navy Blue and Grey. Pareho kaming merong White and Navy Blue. At dahil hindi mag kapareho lahat ang colors na dala namin, August 6 ng gabi before tournament day, pumunta ako sa mall para bumili ng umbrella at 2 shirts at nag pabili din ang teammate ko para TERNO kami sa competition katulad ng ibang bansa at ayon na rin sa IOC rules.
Nakalagay po sa statement ng POC na may provided daw po na uniforms at atleta daw nag decide na huwag suotin. Sinabi naman sa NGAP statement na may paparating na pamalit na uniforms pero nag decide daw ako na bumili na lang ng iba. Parang ako pa ngayon ang dahilan kung bakit kami hindi naka uniforms ng maayos?
Uulitin ko po, walang dumating na uniporme at ang binili sa Paris ay hindi kasya sa amin PAREHO at ang PHI logo ay nasa ilalim ng collar. Pagkatapos kumalat ang video ko sa social media, May pinapasuot sa amin nung last day at nakatahi na ang flag..pero tulad ng naunang binili, isa lang sa amin nagkasya dahil hindi naman nag bago ang size na binili para sa akin at magkaiba din ang gawa, kulay at design ng shirts. Sinuot po ng teammate ko yung huling bigay at sinuot ko na lang po yung binili ko. Kahit ano pong mangyari, magakiba talaga kami ng susuotin sa last day.
Hindi ko pong piniling magsuot ng ibang uniforms o shirts WALA po talaga akong choice kung hindi magsuot ng iba.
Nabanggit ko din po sa video ko na “nakakahiya” dahil sobrang po talaga daming tao at hindi maiwasan mag tanong ang ibang players sa akin. “Your flag is peeling off” o “you did not get uniforms?” “Thats a lot of tapes. They did not provide you head covers?” Hindi ko na po alam ang isasgot ko. Ang competition po ay LIVE din on tv at online streaming world wide! Nakakalungkot dahil nakita pa ang flag natutuklap.
Tungkol naman po sa issue ng club head covers, kami po ay nasita ulit ng IOC official sa clubhouse during practice round. Bawal daw po kasi na gamitin ang may company golf brands kaya po napiltan kami lagyan ng duct tape na itim ang head covers. Lahat ng kalaro namin dito, national flag ang design ng head covers. Ang ganda sana ng covers namin kung Philippine flag ang design.
Nang tanungin kung bakit di nagawa yung covers o bakit disapproved ng IOC ang unang design ng uniforms na may tamang logos, ang sagot nila sa amin ay mahirap daw mag comply sa rules ng IOC kaya nagkamali sa uniforms at di nila alam na iba na ang rules para sa head covers. Tanggap ko na lang po iyon. Pero kami lang po ang nag iisang team sa buong Olympics na walang uniforms. Tayo lang ang nahirapan sa rules.
May isa pa po din akong dagdag. Kaya din po ako nagsalita nagyon dahil walang lumalabas na balita mula sa Paris kung hindi ang official statements ng POC at NGAP. May kasama namang kaming media sa competition pero hindi inihahayag sa publiko ang negatibong nagaganap sa amin. Madaming local na media ang nag reach out sa akin pero wala akong kinausap out of respect sa kasama naming media at hinihintay ko na sila ang magbalita ng katotohanan. Wala naman pong nanggaling sa kanila kaya nagsalita na po ako.
Nagawa ko po ang video dahil po sa frustration. Mahirap po makapasok sa Olympics. Hindi ko rin po alam kung makakacompete ako sa susunod dahil every four years lang ito at mahirap ang qualification. Puwede naman po ako manahimik pero naisip ko na din, dapat akong magsalita, kung hindi na para sa akin ,hindi ko masabi kung huling Olympics ko na ito, pero para na lang sa mga susunod pa sa amin. Para mas maayos ang kanilang Olympic experience.
Sana lang ay hindi na po maulit ang mga nangyari. Sana magbago ang patakbo. Sana mas magaling sila sa susunod. Sana magkaroon ng maayos na COMMUNICATION sa pagitan ng mga officials na naka assign at sa mga atleta na maglalaro sa susunod na Olympics. Sana wala ng Philippine Team at atlentang Pilipino ang magmukhang busabos at kawawa.
Apat na taon po itong dapat napaghandaan pero ganito pa ang nangyari. Wala pong ginastos para sa akin ang POC at NGAP para mag qualify at para maghanda kami sa Olympics. Sarili ko at ng sponsors ko ang gastos at akin ang hirap at pagod para maghanda at mag qualify. Dumating na lang po kaming Olympians na at handang lumaban para sa bayan. Dadalawa na nga lang po kami sa golf, dalawanpu’t dalawa sa lahat ng sports, hindi pa kami naasikaso ng maayos. Gumawa na kami ng paraan para magmukha kaming ka respe-respeto dito, at sa huli ako pa ang parang sinisisi.
Ako po ay walang masamang intensiyon.
Alam ko po na sa pag gawa ko ng video ay madaming sumoprta at my nagalit din at nagsasabing “wala yan sa üniform!” O “maglaro na lang puro pa reklamo”. Ang gusto ko lang naman po ay maayos at mag mukhang presentable kami bilang atleta ng bayan at para din mataas ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas.
Para sa akin po, ang pag compete sa Olympics ay napaka laking karangalan na ipakita ang HUSAY ng Pinoy at representa ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo sa larangan ng golf. Ako po ay nagdarasal at umaasa na sana ay lubusan naming nagampanan namin ito.
Dottie Ardina, Atletang Pilipino, Olympian na nagpapasalamat sa lahat ng suporta at dasal at sa pribelehiyo at karangalang lumaban para sa lahat ng Pilipino at sa mahal nating bayang Pilipinas.
Yun lang po at MARAMING SALAMAT po.”
Dottie released her statement after Team Philippines returned to the country after the Olympic Games. Ardina wasn’t part of the Philippine contingent that was welcomed at Villamor Air Base on Monday night, August 12.
Read related article: What You Need to Know About Aug 14 Parade for Olympic Medalists
Other Interesting Articles
Macau Moves to Criminalize Illegal Money Exchange Gangs in Casinos Amid Rising CrimeAug 13, 2024